Guesting ni Ethel Booba sa 2 programa ng ABS-CBN, hindi agad nabayaran

Image from ABS-CBN

Idinaan na lang sa biro ni Ethel Booba ang reaksyon tungkol sa talent fee niyang hindi pa nababayaran ng ilang programa sa ABS-CBN.

Batay sa tweet ng komedyante nitong Linggo ng umaga, sinabi niyang “nakakatamad na mag guest sa TV show kasi merong iba dyan mag almost 1 year na di pa ma-claim ang TF sunod meron ding more than 5 months na ata.”


 

Hirit pa ng celebrity, “Sa skype na lang talaga ako magshow C2C. Astig sa astig lang. Charot!”

Tinanong naman ng isang netizen si Ethel kung saan siyang programa naging guest noon.

Diretsahang sinagot ni Ethel na may utang pa sa kaniya ang game show na ‘Minute To Win It’.

Makalipas ang ilang oras, tumugon sa tweet ni Ethel ang host ng nasabing game show na si Luis Manzano.

 

Nagpasalamat naman ang sexy comedian sa tinulong na ibinigay ni Manzano.

Samantala, sumagot din si Ethel sa reply ng isa niyang follower na binanggit ang pangalan ni Vice Ganda at programa niyang ‘Gandang Gabi Vice’.

“Actually may guesting pa ako sa GGV na di pa din nabibigay ang TF until now. Charot!.”

Gayunpaman, inihayag niyang nakipag-ugnayan na sa kaniya ang staff ng talk show na ‘GGV’.

Facebook Comments