Guide way ng MRT-7, sisimulan nang itayo ngayong araw

Quezon City – Arangkada na ngayong araw ang konstruksiyon ng guide way para sa station 3 ng Metro Rail Transit line-7 (MRT-7).

Dahil dito, asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sa abiso ng mrt-7 project traffic management task force, unang itatayo ang phase 1 ng construction guide way sa pagitan ng University Avenue at Central Avenue.


Inaasahang aabutin ng hanggang Abril ng susunod na taon ang konstruksiyon, at ang tig-pitong linya ng sasakyan sa magkabilang direksiyon sa Commonwealth Avenue ay magiging tig-limang linya na lamang.

Samantala, ang pagtatayo ng station 7 sa pagitan ng Katuparan at Kaunlaran street ay magsisimula na rin sa susunod na linggo.

Humingi naman ng pang-unawa at kooperasyon ang MRT-7 traffic task force sa mga motorista at hiniling na sumunod sa batas-trapiko.

Facebook Comments