Ebidensyang magpapatunay na sangkot si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa anomalya sa Customs – hamon ng palasyo sa mga kritiko

Manila, Philippines – Hinamon ng Malakanyang ang mga nasa likod ng litrato ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na kasama si Kenneth Dong na maglabas ng matibay na ebidensya na magpapatunay na sangkot nga ito sa iligal na droga.

Kasunod ito ng pagkalat sa social media ng mga litrato ng batang Duterte at ni Dong.

Matatandaang si Dong ang tumayong middleman ng mahigit anim na bilyong pisong halaga ng shabu na nakapuslit sa Bureau of Customs.


Sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, bakit hindi na lang magsampa ng kaso ang mga ito sa korte para patunayan ang mga alegasyon.

Dagdag pa ni Abella, isa lamang itong simpleng propaganda lalo na kung wala namang mailabas na dokumento na mag-uugnay sa presidential son sa iligal na droga.

Una nang itinanggi ni Vice Mayor Duterte ang mga alegasyon laban sa kanya.

Facebook Comments