Guidelines ng PNP sa paggamit at pagbebenta ng paputok ngayong holiday season, inilabas na

May guidelines na ang Philippine National Police (PNP) sa paggawa, pagbebenta at pamamahagi ng firecrackers ngayong papalapit na ang Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay PNP Firearms Explosives Office Director BGen. Rommil Mitra, bawal ang fire crakers na may bigat na mahigit 1/3 teaspoon o higit 0.2 grams na explosives.

Bawal din ang sobrang laki na mga paputok, may fuse o mitsa na sobrang liit na nauubos sa tatlong segundo pababa at sobrang habang na may mahigit anim na segundo bago maubos.


Bawal din ang mga imported at walang label na paputok at mga paputok na may sulphur o phosphorous na inihalo sa chlorates.

Ilan sa mga halimbawa ng mga bawal ay ang watusi, piccolo, super lolo, atomic triangle, large judas belt, large bawang at iba pa.

Ayon naman kay PNP Spokesperson Col. Rhoderick Augustus Alba, inutos na raw ni PNP Chief General Dionardo Carlos sa mga pulis na makipag-ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU) para matukoy ang mga fire cracker zone at kung saang mga lugar papayagang magbenta ng paputok.

Tiniyak ng PNP na babantayang mabuti ang mga lugar na maaring magpaputok ngayong holiday season.

Facebook Comments