Isinasapinal na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang guidelines para sa mga dayuhang turista mula sa “green” list countries.
Ito ay matapos aprubahan in principle ng IATF na makapasok na sa bansa ang mga fully vaccinated na dayuhan mula sa “green” list countries na may mababang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, pinaplansta na lamang ng Technical Working Group ang guidelines na inaasahang mailalabas sa loob ng linggong ito.
Sabi pa ni Puyat, malaking tulong ang Alert Level System sa pagluluwag ng quarantine na kailangang kumpletuhin ng mga turista at Pilipinong uuwi sa Pilipinas.
Mula sa dating 14 na araw na quarantine, ngayong ay ibinaba ito hanggang tatlong araw basta fully vaccinated ang mga dayuhan o overseas Filipino.