Pinaplantsa na ng Department of Budget and Management (DBM) ang guidelines para sa pamamahagi ng ₱200 na ayuda kada buwan sa mahihirap na pamilyang Pilipino.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units ang mangangasiwa ng pamamahagi nito.
May listahan na aniya ang DSWD at ito ang masterlist na ginamit sa Social Amelioration Program (SAP).
Nabatid na nasa 12 milyong pamilya na may katumbas na 70 milyong indibidwal ang makatatanggap ng ayuda.
Matatandaang inaprubahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa rekomendasyon ng Department of Finance (DOF) kapalit ng pagsuspinde sa excise tax ng produktong petrolyo.
Facebook Comments