GUILTY | Dating SoKor Pres. Lee Myung-Bak, hinatulang makulong ng 15 taon

Labing limang taong pagkakabilanggo ang hinatol ng isang korte sa Seoul kay dating South Korean President Lee Myung-Bak.

Ito ay kaugnay sa kasong kinakaharap ni Myung-Bak hinggil sa pagtanggap niya ng $10-milyong iligal na pondo mula sa mga kumpanyang tulad ng Samsung at sa kanyang sariling intelligence service.

Mariin naman pinabulaanan ng dating Pangulo ng South Korea ang nasabing mga akusasyon saka sinabing “politically motivated” ang imbestigasyon sa kaso.


Matatandaan na si Lee ang ikaapat na South Korean president na nakulong, kasunod ng pumalit sa kanyang si Park Geun-Hye na kinasuhan naman dahil sa hiwalay na graft scandal.

Facebook Comments