Muling nasungkit ng swimming instructor, lifeguard, adventurer at Bulgarian na si Yane Petkov ang Guinness World Record para sa pinakamalayong distansiyang nalangoy.
Pero hindi biro ang ginawang style ng paglangoy ng 64-anyos na si Yane.
Nilangoy lang naman niya sa loob ng tatlong oras ang nasa 3,380 metro karagatan habang nakagapos ang mga kamay at paa sa loob ng sako.
Una na niyang nakuha ang world record noong 2012 nang languyin niya habang nasa kaparehong kondisyon ang layong 2,030 metro.
Pero matapos ang isang taon ay nahigitan ito ng Indian na si Ghopal Kharvi, na lumangoy ng 3,071 metro noong 2013 habang siya ay nakagapos din.
Naging ligtas naman ang paglangoy ni Yane sa tulong na rin ng pagsubaybay ng red cross at ng iba’t-ibang water sports club.