GUINNESS | Shortest bus driver sa buong mundo, nasungkit ng isang lalaki sa UK

United Kingdom – “small but terrible”

Ito ang bansag sa bus driver na si Frank Faeek Hachem ng United Kingdom kung saan nakasama siya ngayon sa listahan ng Guinness World Record.

Nabatid kasi na nasungkit ni Frank ang titulong “shortest bus driver” sa buong mundo.


Sa manilawa kayo o hindi ang height ni Frank ay nasa 1.36 meter (4feet at 5.6 inches) pero hindi ito naging hadlang para magawa niya ang kaniyang trabaho at makakuha pa ng record sa Guinness.

Isa din si Frank na professional bus driver sa uk at halos dalawang taon na siya sa trabaho.

Dahil dito, umaasa naman si Frank na magsisilbi siyang inspirasyon ng katulad niyang itinuturing minsan ng publiko na abnormal.

Facebook Comments