GUINNESS WORLD RECORD | Largest chocolate sculpture, nasungkit ng isang kumpaniya sa Brazil

Brazil – Ipinagmamalaki ngayon ng isang kumpaniya sa Brazil ang nakuha nilang title sa Guinness World Record.

Nasungkit ng manufacturer na Equipe Da Casa Do Chocolate ang title na “Largest Chocolate Sculpture” kung saan nakagawa sila ng bahay na gawa sa purong tsokolate.

May bigat ang nasabing 15 square meter na chocolate house na 10,488 kilogram at may taas na 2.40 meter.


Maging ang gamit sa loob nito ay gawa din sa chocolate tulad ng wood stove, pans, spoon, jars, cups, chair, desk, typewriter, pen at imahe ng mga Brazilian icons na Ana Maria Braga at Chico Xavier.

Hindi mo naman aakalain na ang nasabing chocolate house ay nagawa lamang nila sa loob ng labing tatlong araw.

Facebook Comments