*Cauayan City, Isabela*- Iginiit ni Senator Cynthia Villar na gawing institutionalize ang mga gulayan sa paaralan ng elementarya at sekondarya sa buong bansa.
Ayon kay Villar, ito ay upang mas mapagbuti ang kalusugan ng mga mag aaral at hindi umiwas sa pagkain ng gulay.
Hiniling nito na mapanatili ang mga gulayan sa paaralan upang higit na mapakinabangan ng mga mag aaral bilang alternatibong pagkain ng karne lalo pa’t hirap mapakain ang ilang mag aaral ng gulay.
Dagdag pa ng senadora na malaking tulong sa nutrisyon ng mga mag aaral ang pagkain ng gulay.
Tiniyak pa ni Villar na patuloy ang kanilang isasagawang hakbang at masusing pag aaralan ang mga batas na higit na makikinabang ang taong bayan.
Facebook Comments