GULO NANGYARI SA LOOB NG LTO SURIGAO DEL NORTE

GULO NANGYARI SA LOOB NG LTO SURIGAO DEL NORTE
Isang gulo ang nangyari sa loob ng Land Transportation Office Surigao del Norte, matapos na ang anak ng Regional Director ang nanampal ng isang kawani ng naturang ahensiya.
Kinilala ang biktima na si Nabil Ampaso, 22 taong gulang, pamangkin at driver ng District Head ng LTO na si Solaiman Pacasirang. Ang suspek ang isang Mohammad Amaluden Abdulgaffor, 36 taong gulang, anak ng Regional Director Alexander Mamao.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, bago pa mangyari ang insidente humingi ng tulong sa Surigao City PNP si Pacasirang bilang dagdag na seguridad sa paligid ng LTO. Nang dumating si Regional Director Mamao sa LTO Office kasama ang asawa nito, mga anak at ilang kamag-anak, nag-usap ang mga ito kasama si Pacasirang.
Nang umalis na ang grupo ni Mamao, may sumigaw na sa labas na may kaguluhan ang nangyayari. Doon na napag-alaman na si Ampaso ang sinampal ang kaliwang pisngi ni Adbulgaffor nang walang dahilan. Umalis din kaagad ang grupo ni Mamao sakay ng kanilang pribadong sasakyan.Nang ipaabot ang pananampal sa Chief of Police na si Supt. Jay Baybayan na andoon sa LTO noong mga oras na iyon, pinaharang nito ang sasakyan sa may checkpoint sa Brgy. Luna ng mga personahe ng City PNP at Surigao del Norte Public Safety Company, dinala kaagad sa PNP Station para sa imbestigasyon.
Sa loob ng Investigation Room ng City PNP, nagkapatawaran ang dalawang grupo nang mamagitan na rin si Director Mamao. Naunang naging kontrobersiyal si Director Mamao dahil sa pagkakatanggal bilang Regional Director sa LTO Caraga ngunit nakakuha ng Temporary Restraining Order sa korte.

Facebook Comments