Jersey number ni Kobe Bryant sa Los Angeles Lakers, balak ng i-retiro

23

NBA – Maugong ang balita na plano ng Los Angeles Lakers na i-retiro ang jersey ni Kobe Bryant sa December 18 sa laban nito kontra Golden State Warriors sa Staples Center.

Hindi pa ito kumpirmado pero sinabi ng organisasyon ng Lakers na ispesyal ang gaganapin na event sa December 18.

Sinabi naman ni Lakers President of Basketball Operations Magic Jonson na nakadepende kay Bryant kung anong jersey number ang kanyang ireretiro.
Isinuot ni Black Mamba ang no.8 jersey simula sa kanyang rookie year noong 1996 hanggang 2006 bago ito magpalit ng no.24 hanggang sa huli ng kanyang pagreretiro noong nakaraang taon.

Facebook Comments