Gumagamit ng digital payment, dumarami dahil sa pandemya

Dumarami ang tumatangkilik ngayon ng digital at electronic payment sa bansa.

Katunayan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), taong 2018 pa lang ay marami nang gumagamit ng digital payment pero mas tumaas ito noong 2020 dahil sa pandemya.

Kamakailan naman nang ilunsad ng BSP ang Person-to-Merchant o P2M payment kasama ang Philippine Payments Management Inc., (PPMI) at ang ilang bangko at e-wallet para sa isang pilot run.


Isasagawa ang full launching nito sa Setyembre.

Facebook Comments