Filipino rowers, desididong makakuha ng slot sa Tokyo Olympics

67

Susubukan ng limang Filipino rowers na makapasok sa Tokyo Olympics sa pagsabak nila sa 2021 World Rowing Asia-Oceania Olympic Qualification Regatta sa Japan simula ngayong araw hanggang May 7.

Tatlong events ang sasalihan ng mga ito kabilang ang men’s single sculls na lalabanan ni Cris Nievarez.

Sasabak naman sa lightweight women’s double sculls sina Melcah Jen Caballero at Joanie Delgaco habang sa lightweight men’s double sculls sina Zurial Sumintac at Roque Abala.


Aabot sa P1.4 million ang inilaan ng Philippine Sports Commission para sa hotel accommodation, allowances, airfare at COVID-19 tests ng rowing team.

Facebook Comments