Gumagamit ng family planning commodities tulad ng condom sa gitna ng COVID-19 pandemic, dumami!

Tumaas ang bilang ng demand ng family planning commodities tulad ng condom sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director Lolito Tacardon, nagbigla ang kanilang ahensya sa nasabing pagtaas.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Tacardon na “good news” pa rin ito dahil dumami ang mga gumagamit nito na kung saan umabot sa walong milyon ang bilang ng mga kasalukuyang gumagamit ng nasabing commodities na karamihan ay para sa mga kababaihan.


Una nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang familly planning ay bahagi ng programa ng administrasyong Marcos para sa poverty reduction sa bansa.

Facebook Comments