DOT, hindi na babaguhin ang “It’s More Fun in the Philippines” slogan ng bansa

Hindi na babaguhin ng Department of Tourism (DOT) ang slogan ng bansa na “It’s More Fun in the Philippines.”.

Sa pagdinig ng 2023 proposed budget ng DOT, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na hindi nila babaguhin ang naturang slogan at wala na silang balak pang baguhin.

Ayon kay Frasco, balak lamang nilang i-evolve ito upang masiguro na sinasalamin nito ang mga pinakamagandang katangian ng Pilipinas.


Una nang sinabi ni Senate Committee on Tourism chairperson Senator Nancy Binay na hindi sustainable ang pagbababago ng slogan ng bansa tuwing anim na taon o tuwing may bagong uupong presidente dahil sa limitadong pondo ng ahensya.

Facebook Comments