Ibinasurang rate hike petition ng ERC, walang epekto sa operasyon ng Meralco

Walang magiging epekto sa operasyon ng Meralco ang ibinasurang rate hike petition nito at ng power supplier na SMC Global Power.

Ayon sa Meralco, nakapaloob sa power supply agreements ang “pass through generation charges”.

Ang Meralco at SMC Global Power ay naghain ng temporary relief sa kanilang 2019 Power Supply Agreement at pagtataas ng singil sa kuryente.


Kung saan, ibinasura ito ng Energy Regulatory Commission (ERC) matapos tukuyin ang 10 taong Power Supply Agreement ng mga kumpanya na isinulong para proteksyunan ang consumers.

Facebook Comments