Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng panibagong bilang ng gumaling at nagpositibo sa COVID-19 ang Lambak ng Cagayan.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, tatlumpu (30) ang naitalang gumaling sa rehiyon kung saan tatlo (3) mula sa Cagayan, sampu (10) sa Isabela, sampu (10) sa Santiago City at pito (7) sa Nueva Vizcaya.
Pero, nakapagtala rin ang rehiyon ng 24 na new confirmed cases kung saan apat (4) ang naitala sa Cagayan, labing dalawa (12) sa Isabela, walo (8) sa Nueva Vizcaya.
Mula sa 2,572 na total cases ng COVID-19 sa rehiyon, 458 rito ang aktibo at 38 ang namatay.
Sa 458 na aktibo, 114 na lamang ang active cases ng Cagayan, 319 sa Isabela, 9 sa Santiago City, 16 sa Nueva Vizcaya at COVID-19 free na ang Lalawigan ng Quirino at Batanes.