Gumaling sa COVID-19 sa Pasay mas mataas kumpara sa mga naitalang bagong kaso

Nakapagtala ang Pasay City government nang mas mataas na bilang ng mga bagong gumaling sa COVID-19 kumpara sa mga bagong kaso.

Batay sa tala ng Pasay City Information Office as of October 4, 2021, 117 ang mga bagong gumaling sa kanilang lungsod kaya mayroon nang kabuoang 20,190 recoveries.

Habang 40 naman ang mga bagong nagkasakit kaya mayroon na ring 21,259 total confirmed cases sa lungsod.


May isa namang nadagdag sa bilang ng mga namatay kaya umabot na ito sa 521.

Sa ngayon patuloy na gumagawa ng mga paraan ang Pasay government para agad mapigilan ang pagdami nito sa pamamagitan ng mas aktibong contact tracing, pagsasagawa ng mas maraming RT-PCR testing, Isolation and Treatment, at pagdedeklara ng mas maigting na community quarantine sa mga apektadong barangay.

Facebook Comments