GUN BAN at CELLPHONE SIGNAL SUSPENSION Ipapatupad sa Naga City

IPAPATUPAD NA BUKAS – September 8 – ang GUN BAN sa Naga City. Ito ay magtatagal sa loob ng sampung araw hanggang September 17, 2017.

Ipinahayag ni Chief Supt. Antonio Gardiola, Jr., Regional Director ng Philippine National Police sa Bicol, na lahat ng permits na makapagdala ng baril sa labas ng pamamahay ay suspendido kaugnay ng pagdiriwang ng Peñafrancia Festival. Ang nasabing hakbang ay mahalagang bahagi ng security preparations ng kapulisan upang matiyak na ligtas mula sa gun-related crimes ang publiko sa kasagsagan ng pinakatanyag na selebrasyon ng kapyestahan ni Inang Peñafrancia.

Subalit nilinaw ni Gardiola na bagama’t suspendido ang Permit To Carry Firearms Outside Of Residence (PTCFOR), hindi nito saklaw ang mga myembro ng PNP, AFP at iba pang kawani ng Law Enforcement Agencies na nasa official duty, at nakasuot ng agency-prescribed uniforms.


Ang nasabing hakbang ay inaasahang magdudulot ng mas panatag na loob sa lahat ng residente, mga deboto, bisita at mga turistang nagsimula ng dumadagsa sa lungsod sa panahong ito para makiisa sa makulay at masayang pagdiriwang na tanging alay sa nakaugalian ng tawaging “*Ina” *ng milyun-milyong deboto.

Maliban sa suspensiyon ng PTCFOR, pansamantalang mawawalan din ng koneksiyon ang mga signal-dependent communication lines sa Naga City habang isinasagawa ang mga major events tulad ng Traslacion –bukas na – September 8, at Fluvial Procession sa September 16. Ito ay matapos pormal ng nakiusap ang Naga City Council at PNP sa mga cellular phone companies na itigil ang signal transmission isang oras bago magsimula at karagdagang isang oras pa pagkatapos ng mga nabanggit na aktibidad. Ito ay upang matiyak na ligtas ang publiko mula sa nakakatakot na bomba gamit ang cellphone as triggering device.
Kasama Mo sa Balita, Paul Santos, Tatak RMN!

Facebook Comments