GUN BAN VIOLATORS | Naaresto ng MPD, umabot na sa 87

12

Manila, Philippines – Nasa 87 na ang naaresto ng Manila Police District (MPD) dahil sa paglabag sa gun ban at pagbabawal sa pagdadala ng patalim ngayong election period.

Bagama’t tapos na ang Barangay at SK elections, epektibo pa rin ang gun ban hanggang May 21.

Sa kabuuang bilang, 55 ang nakumpiskahan ng baril habang 38 ang nahulihan ng patalim.

Kinasuhan na ang mga naaresto ng reklamong pag labag sa omnibus election code.

Maaari silang makulong ng isa hanggang anim na tao, hindi na papayagang humawak ng posisyon sa gobyerno at tatanggalan ng karapatang makaboto.

Facebook Comments