Guro na Nagnakaw sa isang Mall, Kinondena ng DepED- Isabela

*Cauayan City, Isabela*- Mariing kinondena ng Department of Education (DepEd) sa Lalawigan ng Isabela ang pagkakasangkot ng isang pampublikong guro na nagnakaw sa isang malaking Mall sa Lungsod ng Cauayan noong Sabado, May, 25, 2019.

Magugunita na nahuli rin ng mga otoridad ang isang 47 anyos na guro mula sa Bayan ng Alicia, Isabela na nagnakaw ng mga gamit sa paaralan at iba pang personal na gamit na tinatayang aabot sa halagang mahigit dalawang libong piso (P2,000.00) sa Department Store ng isang kilalang Mall sa Lungsod ng Cauayan.

Nakalaya rin ito matapos makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Kaugnay nito, base sa opisyal na pahayag ng DepEd-Isabela, hindi nila kokunsintihin ang ginawang pagnanakaw ng guro at dapat mabigyan ng kaukulang parusa ang ganitong insidente.

Iginiit naman ng pamunuan ng DepED-Isabela na hindi dapat ginagawa ang pagnanakaw ng mga gamit para sa eskuwelahan dahil mayroon namang pondong inilalaan ang gobyerno para sa pagbili ng mga kagamitan sa pagtuturo.

Facebook Comments