Guro, patay matapos atekehin sa puso sa kasagsagan ng bakbakan ni Pacman at Horn

General Santos – Patay ang isang guro ng Glan, Sarangani Province sa kasagsagan ng laban nilang ni Senador Manny “Pacman’ Pacquiao at Jeff Horn sa Brisbane Australia.

Nakilala ang guro na si Nerio Pejana, 35 taong gulang, residente ng Calabanit, Glan, Sarangani Province at nagtuturo sa Big Margus Elementary School ng nasabing probinsya.

Nanonood umano ang nasabing guro sa laban ni Pacman, at nang umabot sa round 9 ng laban kung saan kasagsagan ng bakbakan ng laban ni Pacman at Horn bigla na lang di umano nanikip ang dibdib ng nasabing guro at hinimatay.


Agad na dinala sa pagamutan ang nasabing guro pero idineklara itong patay ng mga doctor.

Una ng sinabi ng kamag-anak ni Pejana na may sakit ito sa puso.

Facebook Comments