Suspek sa pagkamatay ng isang babae sa motel sa Quiapo, inilagay sa Immigration Lookout Bulletin Order

Manila, Philippines – Inilagay na ng Dept. of Justice sa immigration lookout bulletin order ang lalaking suspek sa pagpatay sa isang babae sa motel sa Quiapo, Manila noong nakalipas na linggo.

Kinilala ni Justice sec. Vitaliano Aguirre ang suspek na si Abukaer Iskoakit o Abukaer Isko Akit alias Abu-Avsh Akit na itinuturing ng Manila Police District na person of interest sa pagkamatay ng bente nuwebe anyos na si Joan Echipare.

Si Echipare ay natagpuang maraming tama ng saksak sa katawan sa loob ng Escaldo Apartelle.


Naniniwala ang DOJ na hindi malayong lumabas ng bansa ang suspek dahil sa bigat ng kasong kinakaharap nito.

Facebook Comments