Gusali muntikang matupok ng apoy!

Naagapan ng Bureau of Fire Protection o BFP ang sunog sa isang commercial two storey building sa Barangay Poblacion Oeste Dagupan City noong linggo.

Ang inisyal na report ng BFP bandang 11:25 ng umaga nagsimula ang sunog sa building na pag mamay ari ng nag ngangalang Liberty Calica. Agad na nirespondehan ng BFP kasama ang Panda Fire Brigade at CDRRMC hanggang maapula ang apoy. Naapula ang apoy 11:50 ng umaga.

Patuloy na inaalam ng BFP ang pinagmulan ng sunog dahil ito ang gusali ay gawa sa semi concrete at light materials.


Nagpaalala naman ang BFP na maging maingat at maging alerto sa ganitong pagkakataon.

Photo credit to Mhel Florentino Jr. 

Facebook Comments