GUSTO MONG MASARAPAN? TIKMAN ang Halo-halo ng bayan! By: RG Ramos

FOOD PORN: Sawa ka na ba sa lasa ng karaniwang Halo-Halo? Tingnan mo ‘to, bestfriend!

Bestfriend, sawa ka na ba sa lasa ng kinakain mong Halo-Halo? Kadalasan puro ice lang ang laman at matigas pa? Pero wala kang choice kasi uhaw ka na at gusto mo nang pawiin ang init na nararamdaman mo.
Ngayon bestfriend, don’t settle for less! Worry no more dahil nandito na ang Juvies Special Halo-Halo ng Juvies Halo-Halo and Resto.
Ang Juvies Halo-Halo ay hindi basta-basta at hindi katulad ng pangkaraniwan. Sa ice pa lang, magugulat ka na sa texture at lasa dahil hindi pang karaniwang ice ang gamit nila na kung saan hindi ito tumitigas at nagkukumpol-kumpol pero hindi rin agad-agad natutunaw.
At guess what, bestfriend? Ang halo-halong ito ay walang sugar pero magugulat ka sa sarap dahil sa dalawang secret white ingredient na meron sila na nilalagay sa ibabang bahagi ng Halo-Halo. Sa unang tingin masasabi mong pang-karaniwan nga, pero pag ito’y hinalo mo ng maayos at tinikman na, siguradong mababago ang tingin mo sa Halo-Halo. Sa halagang 75 pesos lamang ay matitikman mo na ang hindi dapat palampasing Juvies Halo-Halo.
Nagsimula ang Juvies Halo-Halo noong 2013 sa Mahayag, Zamboanga Del Sur. Dahil sa pumatok ito at naging sikat, nagkaroon ng pagkakataon na i-franchise ng may-ari ngayon at tinayo ito sa may Yubenco, Barangay Tetuan.
Nagsimula ang kanilang masarap at kakaibang serbisyo noong March 08, 2018 kung saan ibinida rin nila ang kanilang iba pang mga pagkain na espesyal at kakaiba rin.
Meron silang ipinagmamalaking T-Bone Steak Sizzling, Chicken BBQ, Sizzling Beef with egg, Beef Kulma at marami pang iba. Ibinibida rin nila ang kanilang Sotanghon Guisado, Pansit Guisado at Bihon Guisado.
Available rin ang kanilang mga meryenda offers katulad ng Lumpia Shanghai, iba’t-ibang klase ng burger, spaghetti, pizza siopao, cheese sticks at marami pang iba.
Hindi rin magpapahuli ang kanilang mga native meryendas katulad ng iba’t ibang luto ng saging katulad ng turon at ang paborito nating mga streetfood katulad ng isaw at marami pang iba.
At mas magugulat ka, bestfriend! Dahil as low as 35 pesos hanggang 150 peso lang nagkakahalaga ang mga ito, dipende sa kung ano ang order mo! Oh diba? Kakaiba na, masarap na, mura pa!
Bisitahin sila sa tabi ng Yubenco Tetuan, Zamboanga City o tawagan sa numerong 0935 310 6436 para sa kanilang catering services.

Pictures: Kuya Bogart iFM


Facebook Comments