Habagat, patuloy na makaapekto sa Hilaga at Central Luzon

Weather – Patuloy na makakaapekto ang habagat sa bahagi ng hilaga at Central Luzon.

Dahil dito, asahan na ang maulap na kalangitan na may isolated thunderstorm na may pagkulog at pagkidlat ang Ilocos region, Zambalaes at Bataan.

Iiral naman ang pulo-pulong pag-ulan sa nalalabing bahagi ng luzon kasama ang Metro Manila.


Maaliwalas na panahon ang asahan sa kabisayaan pero posible pa rin ang mahihinang pag-ulan pag-sapit ng hapon.

Maulap na kalangitan rin ang mararanasan sa Mindanao na may pulo-pulong pag-ulan.

Sunrise: 5:28 am
Sunset: 6: 23 pm
DZXL558

Facebook Comments