Habal -habal driver sugatan sa pananaksak ng isang Laborer

Biktima ng pananaksak si JOHARY CANO PEÑAFIEL, 26 years old, habal – habal driver na residente Purok Dalisay, Brgy. Poblacion, Magpet, Cotabato.

Sa report ng PNP sa DXMY, magkakasama pa ang biktimang si Johary at ang suspek na nakilalang si BONIFACIO CABANGBANG PAINAGAN, Jr., 46 years old, isang laborer sa pagtitipon tipon ng mag- kakaanak kaugnay sa pag oobserba ng death anniversary ng mother in law ng biktima.

Sa di malamang rason ay biglang inundayan ng saksak ng suspek ang biktima gamit ang 11 inches na kutsilyo sa kanyang tyan. Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspek habang isinugod sa ospital ang biktima.


Matapos ang hot pursuit operation ng mga kapulisan ay agad ring nahuli si Bonifacio sa bahagi ng Kidapawan City at nahaharap na sa kaukulang kaso.

Facebook Comments