Habang umiinit sa bansa, bilang ng namamatay dahil sa tigdas – tumaas

Tumaas pa ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit na tigdas habang tumitindi ang init sa bansa.

Nasa 389 na kasi ang bilang ng mga nasawi sa tigdas habang mahigit 28,000 naman ang nagpositibo noong unang buwan ng 2019.

Mas malaki ito kumpara sa bilang ng mga nakalipas na taon.


Naging katuwang ng gobyerno sa massive vaccination program para sa mga barangay na walang access sa mga pagamutan at klinika.

Ayon kay Gordon, matapos na ideklara ang measles outbreak sa ilang rehiyon, ay nananatili parin silang katuwang ng Department of Health.

Nagbigay rin ang PRC ng mga tent na may medical facilities para magsilbing extension ng mga ospital na napupuno na ng mga pasyenteng may tigdas.

Maliban dito, tinututukan rin nila ang patuloy na pagdami ng dengue victims sa ating bansa.

Facebook Comments