Tumaas pa ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit na tigdas habang tumitindi ang init sa bansa.
Nasa 389 na kasi ang bilang ng mga nasawi sa tigdas habang mahigit 28,000 naman ang nagpositibo noong unang buwan ng 2019.
Mas malaki ito kumpara sa bilang ng mga nakalipas na taon.
Ayon kay richard gordon, matapos na ideklara ang measles outbreak sa ilang rehiyon, ay nananatili parin silang katuwang ng department of health.
Kasabay nito ay namahagi ang prc ng mga tent na may medical facilities para magsilbing extension ng mga ospital na puno ng mga pasyenteng may sakit na tigdas.
Nagsagawa narin ang gobyerno ng massive vaccination program para sa mga barangay na walang access sa mga pagamutan at klinika.
Sa ngayon ay tinututukan narin ang patuloy na pagdami ng dengue victims sa bansa.