Manila, Philippines – Naka-alerto ang Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa epekto ng Bagyong Basyang sa nag-aalburotong bulkang Mayon.
Sa interview ng RMN kay Philippine Institute of Volcanology And Seismology Resident Volcanologist Ed Laguerta, umabot na sa 15.5 million cubic meters ang inilabas na pyroclastic materials mula sa lava fountaining, lava collapse, rockfalls at lava flow.
Ayon kay Laguerta – ang mga nasabing materyales ang posibleng magdulot ng lahar flow.
Una ng nag-abiso ang PAGASA sa posibilidad ng pag-apaw ng mga ilog sa Bicol region kaya’t pinag-iingat ang mga residenteng nakatira malapit sa bundok at sa low lying areas kaugnay naman sa posibleng pagbaha.
Facebook Comments