HAGUPIT NI OMPONG | Ilang lugar sa Luzon, walang ng supply ng kuryente

Apektado ng bagyong Ompong ang ilang transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Northern at Southern Luzon.

Batay sa latest advisory ng NGCP, bumagsak ang linya ng Santiago-Cauayan 69 kilo volts (KV) line kung saan apektado ang mga customer ng Isabela 1 electric cooperative.

Naapektuhan na rin ang Gamu-Ilagan-Naguilian-Reina Mercedes-Cauayan 69KV line na sumusuplay sa mga customer ng Isabela 1 at Isabela 2 electric cooperative.


Naapektuhan rin ng masamang panahon ang Tuguegarao-Cabagan 69 KV line na nagsusuplay ng kuryente sa Isabela 1 Electric Cooperative, Tuguegarao-Magapit 69 KV line-Cagayan 1 at Cagayan 2 electric cooperative.

Nagkaaberya rin ang Magapit-Sta. Ana 69 KV line Cagayan 2 Electric Cooperative at Famy-Comon 69 KV line na nagsusuplay ng kuryente sa Quezon 2 electric cooperative 2.

Nagpadala na ang NGCP ng line crew at nagsasagawa na ng ground patrol sa lugar para malaman ang pinsala sa kanilang mga pasilidad.

Facebook Comments