Hakbang ng LGU Isabela sa Pagpapauwi ng LSIs at ROFs, Pinuri ng Netizen

Cauayan City, Isabela- Pinuri ng isang netizen ang hakbang ni Isabela Governor Rodito Albano III sa pagpapauwi ng mga Locally Stranded Individuals at Returning OFWs kahit na positibo pa sa virus ang ilan sa mga ito.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, tinatanggap man ng LGU Isabela ang mga ito ay sumaisailalim pa rin sila sa mga health protocols upang matiyak na maiiwasan na makapanghawa ang mga ito.

“𝑻𝒉𝒊𝒔 𝒈𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒐𝒓 𝒎𝒂𝒚 𝒃𝒆 𝒂𝒏 𝒆𝒙𝒄𝒆𝒑𝒕𝒊𝒐𝒏. 𝑯𝒆 𝒘𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆𝒔 𝑳𝑺𝑰𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑶𝑭𝑾𝒔 𝒊𝒏𝒕𝒐 𝒉𝒊𝒔 𝒑𝒓𝒐𝒗𝒊𝒏𝒄𝒆 𝒆𝒗𝒆𝒏 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆𝒚 𝒂𝒓𝒆 𝑪𝑶𝑽𝑰𝑫-𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒊𝒗𝒆. 𝑯𝒆 𝒔𝒂𝒊𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒚 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒕𝒂𝒌𝒆 𝒄𝒂𝒓𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆𝒔𝒆 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏𝒔 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒉𝒊𝒔 𝒑𝒓𝒐𝒗𝒊𝒏𝒄𝒆 𝒘𝒉𝒆𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒚 𝒂𝒓𝒓𝒊𝒗𝒆 𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒓𝒐𝒗𝒊𝒏𝒄𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒖𝒔𝒆 𝒑𝒓𝒐𝒗𝒊𝒏𝒄𝒊𝒂𝒍 𝒇𝒖𝒏𝒅𝒔 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝒈𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒄𝒂𝒏𝒏𝒐𝒕 𝒑𝒓𝒐𝒗𝒊𝒅𝒆 𝒕𝒉𝒆𝒎. 𝑰𝒇 𝒏𝒆𝒆𝒅 𝒃𝒆, 𝒉𝒆 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒔𝒐𝒍𝒊𝒄𝒊𝒕 𝒅𝒐𝒏𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔. 𝑻𝒉𝒆 𝒑𝒓𝒐𝒗𝒊𝒏𝒄𝒊𝒂𝒍 𝒈𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒃𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒆𝒔𝒆 𝑪𝑶𝑽𝑰𝑫 𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒊𝒗𝒆 𝑳𝑺𝑰𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑶𝑭𝑾𝒔 𝒊𝒏𝒕𝒐 𝒒𝒖𝒂𝒓𝒂𝒏𝒕𝒊𝒏𝒆 𝒄𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝒉𝒐𝒔𝒑𝒊𝒕𝒂𝒍𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒕𝒓𝒆𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒖𝒏𝒕𝒊𝒍 𝒕𝒉𝒆𝒚 𝒂𝒓𝒆 𝒄𝒖𝒓𝒆𝒅. (𝒑𝒂𝒉𝒂𝒚𝒂𝒈 𝒏𝒈 𝒏𝒆𝒕𝒊𝒛𝒆𝒏)


Ayon pa kay Binag, mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga otoridad at health workers sa border checkpoint nito sa Bayan ng Cordon upang matiyak na walang makakalusot sa pagpapatupad ng nasabing polisiya.

Matatandaang personal na sinalubong ni Gov. Albano ang mga dumating na Isabeleños noong Hulyo 17, sa pagnanais na maiparamdam ang malasakit sa publiko sa kabila ng banta ng pandemya.

Suportado din ni Albano ang programa ng national government na layong makauwi ang mga stranded individuals sa kani-kanilang probinsya kabilang ang mga estudyante sa iba’t ibang unibersidad, mga maliliit na manggagawa na nawalan ng trabaho bunsod ng umiiral na community quarantine sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Facebook Comments