Hakot ng medalya ngayon 2017 SEA Games, isa sa pinakamababa sa kasaysayan ng Pilipinas

SEA Games – Itinuturing na lowest output ng Pilipinas ang 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito na ang huling araw ng 11-Nation Biennial Sports Festival kung saan 24 na ginto pa lang ang nahahakot ng Philippine team.

Malayo ito sa 50 gold medals na target ng bansa at pinakamababang produksyon sa loob ng 18 taon.


May kabuuang 121 medalya ang Pilipinas na nasa ika-anim na puwesto habang nagunguna pa rin ang Malaysia na may 323 medals.

Facebook Comments