HALAGA NG MGA NATAGPUANG HINIHINALANG SHABU SA COASTAL WATERS SA PANGASINAN, UMABOT NA SA P6.8B

Nadagdagan pa ang halaga ng natagpuang mga palutang-lutang na hinihinalang shabu sa katubigang sakop ng Pangasinan sa mga nakalipas na araw.
Ayon sa Coast Guard District Northwestern Luzon, umabot na ang halaga ng tinatayang nasa isang toneladang suspected shabu sa P6.8B.
Ayon kay Philippine Coast Guard Capt. Mark Larsen Mariano, hindi umano titigil ang pamunuan hanggat matagpuan lahat ng mga napadpad na mga kontrabando sa nasasakupan.
Dagdag niya, hindi umano nila hahayaang maging daan ang Rehiyon Uno sa mga isinasagawang transnational crimes, at sa layunin ding mai-iwas sa kapahamakan ang bawat Pilipino sa naidudulot ng ipinagbabawal na droga.
Samantala, mas pinalakas ngayon ang maritime patrols at aerial surveillance sa rehiyon para sa mga posible pang matagpuang kahalintulad na bagay sa laot. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments