Lalo pang tumaas ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng Bagyong Egay.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, umabot na sa P1.9 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo sa mga pananim.
Ayon pa sa NDRRMC, 148,774 na hektarya ng pananim ang mga napinsala ng bagyo kasama na ang taniman ng palay, mais at ibang high-value crops.
Umaabot naman sa 114, 565 na ang mga magsasaka at mangingisda naman ang naapektuhan ng bagyo.
Samantala, P3.5 bilyon naman ang inisyal na pinsala ng bagyo sa imprastraktura.
Karamihan ng mga sinira ng bagyo ay mga daan, tulay, flood control, government facilities, mga paaralan, utility services facilities at iba pa.
Sumampa naman sa P344,000 ang iniwang pinsala ng bagyo sa mga kabahayan kung saan 34,000 mahigit na mga tahanan ang partially damaged habang nasa 1,283 ang totally damaged.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang assessment kung kaya’t posible pang tumaas ang naturang mga halaga.