Cauayan City, Isabela- Matagumpay na natapos ang Barangay at SK Eleksyon dito sa lungsod ng Cauayan dahil sa maigting na pagbabantay ng kapulisan sa bawat Polling Precinct sa iba-ibang lugar dito sa lungsod.
Ito ang iniulat ni Police Senior Inspector Esem Galiza, ang Police Community Relations ng PNP Cauayan City sa naging uganyan ng RMN Cauayan kaninang umaga.
Aniya, naging strikto umano ang kanilang pagbabantay sa katatapos lamang na Barangay at SK Eleksyon na nagresulta naman sa maayos at payapang eleksyon.
Maging sa mga forest Region na nasasakupan ng lungsod ay naging payapa rin sa naganap na halalan bagamat may mga napabalitang mayroon umanong botanteng na heatstroke subalit agad din namang naagapan ng Rescue 922.
Ayon pa kay PSI Galiza, maigting na binantayan ng kapulisan kasama ang ilang kasundaluhan ng 5th ID ang mga Polling Precincts lalo na sa mga malalaking barangay gaya ng San Fermin.
Samantala, Balik normal na sa trabaho ang PNP Cauayan City at nagsibalikan na rin umano sa kanilang himpilan ang ilang kapulisan at kasundaluhan na ipinadala dito sa lungsod ng Cauayan para tumulong sa naganap na Halalan 2018.