HALALAN | 30-minute airtime para sa bawat kandidato na sasalang sa presidential debate, iminungkahi ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng tig-tatlumpung minutong airtime ng mga tv network sa bansa ang bawat kandidato kapag nagsagawa ng presidential debate.

Paliwanag ng Pangulo, ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang bawat kandidato na makapag latag ng kani-kanilang plataporma.

Aniya, kalokohan ang isang minuto at tatlumpong segundong time limit na ibinigay sa bawat kandidato.


Ani pa ni Duterte, pamemera at advertisement lamang ang layunin ng mga tv station sa presidential debate na isa’t kalahating minuto lamang.

Facebook Comments