HALALAN | Korte Suprema, walang nakikitang paglabag sa premature campaign ng ilang personalidad

Manila, Philippines – Iginiit ng Korte Suprema na wala silang nakikitang paglabag sa mga maagang pangangampanya ng mga personalidad na tatakbo bilang senador sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Supreme Court Spokesman Theordore Te, pinapayagan sa ilalim ng automated election law ang mga nakikitang posters at aktibidad ng mga pulitiko at personalidad na itinuturing na ‘premature campaigning’.

Aniya, mayroong sc decision na nagtanggal sa premature campaign bilang election offense.


Dagdag pa ni Te, ang layunin naman ng maagang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ay para bigyan ang Commission on Elections (COMELEC) ng dagdag na panahon para sa pag-imprenta ng mga balota.

Facebook Comments