HALALAN | Mga gagamitin sa Barangay at SK Elections, sisimulan nang ibiyahe ng COMELEC

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) na ibiyahe sa mga lalawigan sa Abril 25, 2018 ang mga gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Mayo 14.

Kabilang na rito ang official ballots, election returns, canvassing form at indelible ink.

Layunin nitong matiyak na makakarating ang lahat ng gamit sa tamang oras para sa pagdaraos ng halalan.


Uunahing ibiyahe ang mga form sa autonomous region in Muslim Mindanao (ARMM), Region 8, Region 2 at Batanes.

Facebook Comments