HALALAN | Mga mananalo sa may 2018 Barangay at SK Elections, mayroon lamang dalawang taong termino

Manila, Philippines – Bibigyan lamang ng dalawang taong termino ang mga mananalo sa May 14, 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Paliwanag ni dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Gregorio Larrazabal, sa Mayo 2020 na kasi magaganap ang susunod na eleksyon para sa Barangay at SK.

Pero magbabalik aniya ulit ito ng tatlong taong termino matapos ang 2020 election.


Nabatid na dalawang beses nang naurong ang halalan, una ay sa 2016 at ang ikalawa ay nitong 2017.

Facebook Comments