Manila, Philippines – Hindi umano makakaapekto sa isang kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ang pagkakasama nito sa drug list.
Ito ang naging paglilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) kung saan na sa isang Press Briefing, sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez na ang hatol lamang ng korte sa kasong kinakaharap ng mga ito ang siyang magpapawalang-bisa sa kandidatura ng isang indibidwal sa Barangay at SK Elections.
Hindi na rin maghihimasok ang COMELEC sa ginagawang imbestigasyon sa mga kandidatong nasa Narco-list.
Pero iginiit ni Jimenez na mabibigyan ng ideya ang mga botante sa background ng isang kandidato kung sakaling kasama ito sa narco-list.
Facebook Comments