TATAPUSIN NA | North at South Korea, nagkasundo na magkaroon ng kapayapaan sa kanilang mga bansa

Nagkasundo sina South Korean President Moon Jae-in at North Korean Leader Kim Jong-un na tapusin na ang 65 taong Korean War at magkaroon na ng kapayapaan sa kanilang mga bansa.

Ito ang naging pahayag ni Moon sa kanilang joint statement ni Kim matapos ang kanilang “historic dialogue” sa Demilitarized Zone (DMZ) sa panmunjum na bahagi na ng South Korea.

Sinabi ni President Moon na magkakaroon ng pormal na deklarasyon ang pagtatapos ng giyera sa peninsula ngayong taon.


Ayon naman kay Kim, iisa at parehong lahi lamang sila ng mga South Koreans na dapat mabuhay ng mapayapa at nagkakaisa.

Facebook Comments