May bagong uri ng halaman ang nadiskubre sa Pilipinas na kumakain ng mga metal!
Kalimitang umiiwas sa mga bakal o mineral sa lupa ang mga puno at halaman dahil nakakalason ito para sa mga halaman pero ang bagont tuklas na punong Rinorea Niccolifera ay naiiba dahil sinisipsip nito ang bakal na nakahalo sa lupa.
Natuklasan ang halaman ng isang grupo ng mga siyentista mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, Laguna. Ang Rinorea Niccolifera ay matatagpuan sa mga gubat ng Zambales at sa iba pang gubat sa kanlurang bahagi ng Luzon. Ang laki nito ay kalimitang umaabot lamang sa taas na 1.8 na metro.
Ayon sa mga siyentista, hindi na nakakapagtaka na sa mga kagubatan sa kanlurang bahagi ng Luzon natatagpuan ang kakaibang puno dahil ang lupa sa gubat na iyon ay hitik sa mga mala-bakal na mineral na katulad ng nickel. Napag-alaman na isanlibong beses itong mas malakas humigop ng mineral na nickel mula sa lupa kaysa sa ibang halaman.
Puwede ring gamitin ang Rinorea Niccolifera sa pagsipsip ng mga nakakalasong mineral na itinapon sa mga tambakan upang ang lupa ay hindi na maging nakakalason sa mga halaman at maari na uling tamnan.
Halaman na kumakain ng metal, natuklasan sa Pilipinas
Facebook Comments