Friday, March 13, 2026

HALOS ₱100K HALAGA NG ILEGAL NA DROGA, NASAMSAM SA SUNOD-SUNOD NA ANTI-DRUG OPERATIONS SA PANGASINAN

Umabot sa halos ₱100,000 halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Dagupan City, San Carlos City, at Calasiao mula March 12 hanggang madaling araw ng March 13, 2026.

Sa Dagupan City, inaresto ang isang 48 anyos na babae mula Mangaldan matapos makumpiskahan ng 1.3 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱8,840. Isinagawa ang operasyon ng Dagupan City Police Station 2 katuwang ang iba pang yunit ng pulisya at PDEA RO1.

Samantala, sa San Carlos City, nadakip ang isang 28 anyos na delivery boy matapos makuhanan ng 1 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱6,800 sa isinagawang buy-bust operation ng San Carlos City Police Station.

Sa Calasiao, naaresto ang dalawang lalaki na may edad 38 at 24 matapos makumpiskahan ng 13.25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱90,100 at 19.27 gramo ng hinihinalang marijuana na may halagang ₱2,312.40.

Ayon sa pulisya, isinagawa ang lahat ng operasyon sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments