India – Patay ang 94-katao habang mahigit sa 100 ang ginagamot pa sa ospital matapos uminom ng alak na may lason sa North-Eastern India.
Karamihan sa mga namatay ay naka-inom ng illegal brewed alcohol dahil sa kawalan ng kakayahang bumili ng mga sikat na brand ng alak.
Nagtatrabaho ang mga nasawi sa isang tea plantation state kung saan nainom ng mga biktima ang alak na naglalaman ng methyl alcohol na siyang umaatake sa central nervous system ng katawan ng isang tao.
Ayon sa police official na si Mukesh Agarwal, nasa kamay na ng mga otoridad ang may-ari ng brewing unit na pinagmulan ng ipinagbabawal na alak.
Samantala, narekober naman ng PNP ang nasa 2.5 liters ng ipinagbabawal na alak.
Nito lamang unang araw ng Pebrero ay nasa mahigit 80 naman ang namatay sa pag-inom ng bootleg liquor sa Uttar Pradesh State sa India.