Catriona Gray – naiyak sa kanyang ikalawang home coming parade

68

Manila, Philippines – Naging emosyunal si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mainit na pagtanggap sa kanyan ng mga Pilipino sa ikalawang home coming parade sa Araneta Cubao Center kahapon ng hapon.

Pinasalamatan ni Catriona ang mga Pilipinong nakiisa sa kanyang ikalawang parade.

Halos maiyak sa tuwa ang Filipina beauty queen dahil sa suportang ipinakita ng kanyang mga kababayan.

Hindi naman nagpakita ng pagod si Catriona habang suot-suot ang green beaded jumpsuit na may asymmetrical neckline na gawang disenyo ni Mak Tumang.

Samantala, tinawag na “alon” ng designer na si tumang ang suot na damit ni Catriona bilang pagkilala sa yamang dagat ng ating bansa.

Magkakaroon naman ng special tribute show na may titulong “raise your flag for Catriona Gray” ngayong araw na gaganapin sa smart aranerta coliseum.

Facebook Comments