Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa 871,911 o 93.81% ang kabuuang enrollees sa buong Cagayan Valley batay sa pinakahuling datos ng Department of Education (DepED) region 2.
Ayon kay Dr. Amir Aquino, Public Affairs Unit Head, ang natitirang mahigit sa 6% ay pawang mula sa 9 schools division office sa rehiyon dahil wala aniyang division office ang nakapagbigay ng 100% porsyento ng enrollees.
Aniya, mas malaki ang porsyentong naidagdag ngayong school year kung ikukumpara sa nagdaang taon.
Sa kabila nito, mananatili pa rin sa distance learning ang nalalapit na pasukan ng mga mag-aaral dahil pa rin sa banta ng pandemya.
Samantala, mas pinipili pa rin ng nakararaming mag-aaral ang self-learning module bilang paraan ng kanilang pagbabalik-eskwela.
Kinumpirma din ni Amir ang ilan pang mga magulang ang may agam-agam kung ipagpapatuloy pa nilang maienroll ang kanilang mga anak para sa taong ito.
Tiniyak naman ng ahensya ang patuloy na pagtanggap ng mga enrollees hanggang katapusan sa buwan ng Oktubre.