Halos 1,000 pamilya, natulungan ng “Oplan Tulong Taal” ng RMN Foundation at DZXL Radyo Trabaho

Umabot sa 300 na pamilya ang nabigyan ng tulong na hatid ng RMN Foundation at DZXL 558 Radyo Trabaho at kasama ang ilang pribadong sektor.

Partikular na nabigyan ng tulong ang mga evacuation centers sa Nasugbu at Tuy sa Batangas.

Tinatayang nasa higit 3,400 bakwit mula sa bayan ng Lemery, San Nicolas, Taal, Agoncillo, Laurel, Calaca at Talisay ang natulungan.


Nasa sampung eskwelahan ang ginagamit ng mga bakwit sa Nasugbu habang ang covered court at isang eskwelahan sa bayan ng Tuy nananatili ang iba sa mga ito.

Ilan sa mga natanggap ng mga kababayan nating naapektuhan ng pagsabog ng Taal ay damit, tubig, groceries, sleeping mat at hygiene kit.

Ayon kay Edmer Sarmila, Supervisor ng Cellair Manufacturing Corporation – unang beses nilang gawin ang ganitong aktibidad pero tumutulong na rin sila ilang relief operations.

Nagpapasalamat naman ang DZXL Radyo Trabaho at RMN Foundation sa P&A Foundation, STI Foundation, Roxas Holdings, Cellair Technology Manufacturing Corporation, Minamoto Packaging Enterprises, at Exelpack Corporation na naging katuwang natin sa relief operation na ito.

Facebook Comments